
Ilang tulog na lang at mapapanood na ang Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition!
Bago pa man maihayag ang final Big 4, naitanong na sa dating housemates ang kani-kanilang personal bets na maging Big Winner ng edisyong ito.
Sa panayam nila sa Unang Hirit, sinagot naman nina Dustin Yu at Bianca De Vera ang kanilang deserving Big Winner. Lahat naman daw sa Big Four ay karapat-dapat manalo. Pero kung pipili lamang sila ng isang duo:
"Personally, ako sina Esnyr at Charlie (Fleming)," sagot ni Dustin.
"Wherever Mika is, that's where my Big Winner as well. So Mika and Brent (Manalo)," dagdag ni Bianca.
Sa parehong panayam, ikinuwento rin ng Kapamilya star ang kanyang solid friendship kay Mika Salamanca.
"[She] has been my best friend talaga since Day 1," ani Bianca. "Nag-click lang po talaga kami. She was my second duo so it was very instant talaga, natural."
Ang isa pa niyang kaibigan sa loob ng Bahay ni Kuya ay walang iba kundi ang kanyang dating Unbreak My Heart co-star na si Will Ashley. Pasalamat ni Bianca na nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-reconnect sa isa't isa.
"Okay rin naman po. We started off by wanting to reconnect," sabi niya. "Ngayon, I'm glad to say na mas naging deeper na rin po 'yung connection po namin. Araw-araw po kasi kami na lahat ng housemates nagkikita. Kami po, we're very very proud of him. Pangarap niya po na mapasama sa Big Four. So we're rooting for him and all of them doon sa loob ng Bahay ni Kuya."
Matatandaang sina Dustin at Bianca ang latest evicted duo sa programa, matapos matalo sa tapatan nila ng BreKa duo (Brent Manalo at Mika Salamanca).
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, balikan ang mga naging miyembro ng pamilya ni Kuya sa bagong season ng teleserye: