What's on TV

Ex-PBB housemates Ashley Ortega at AC Bonifacio, reunited sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published April 16, 2025 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo shares other headshot options for Miss Universe 2025
#WilmaPH spotted over waters of Can-avid, Eastern Samar
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega at AC Bonifacio


Kilalanin ang mga karakter na gagampanan ng ex-PBB housemates na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Reunited ang ex-PBB housemates na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Gumaganap si Ashley sa serye bilang Agent Tony na bahagi ng special investigations unit na tumutigis sa mga vigilante.

Makakasama niya sa serye si AC bilang Charm na isa rin special agent at partner siya sa unit.

"Medyo cute din 'yung tandem naming dalawa," lahad ni Ashley.

"It's very us din," bahagi naman ni AC.

Hawig daw sa tunay na buhay ang tambalan ng kanilang mga karakter sa serye.

"Kung paano kami sa loob ng Bahay ni Kuya as younger sister, as an ate," paglalarawan ni Ashley.

"Ganoon din kami, parang Tony and Charm," dagdag ni AC.


Masaya naman ang bida ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid sa patuloy na paglaki ng cast ng serye.

"Pinakikinggan lang rin naman po natin ang gusto po ng mga manononood. I'm just very grateful na pumayag po sila na maging parte po nitong Lolong," pahayag ng aktor.

Patuloy na tutukan ang Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.