
Kilig vibes ang hatid ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Kira Balinger at Josh Ford sa social media.
Sa latest post na makikita sa Facebook page ni Kira, mapapanood ang sweet at makulit na bonding nila ni Josh habang sabay na sinasayaw ang isang TikTok trend.
Sulat ng Kapamilya star sa caption, “As requested! #KiraBalinger, #JoshFord, #KiSh.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 500,000 views ang naturang video.
Bukod sa heart and like reactions, mababasa rin ang reaksyon ng netizens at fans ng KiSh sa kanilang reunion sa outside world.
Matatandaang si Kira ay na-evict sa Bahay Ni Kuya kasabay ang kaniyang ka-duo na si Charlie Fleming mula sa ikalawang eviction night.
Si Josh naman at ang kaniyang ka-duo na si Ralph De Leon ang pinakabagong evictees sa programa.
Related gallery: Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.