
Patuloy na pinag-uusapan sa outside world ang ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman.
Matapos silang lumabas sa Bahay Ni Kuya, mapapansin na tila mas lumalim ang pagkakaibigan at samahan ng ShuKla (Shuvee at Klarisse).
Sa panayam ni Aubrey Carampel para sa GMA Integrated News Interviews para sa 24 Oras, inilahad ng dalawa kung paano sila nagsimulang maging close.
Ayon kay Shuvee, una siyang naging malapit kay Esnyr at kalaunan ay si Klarisse na ang mas naging ka-close sa Kapamilya housemates.
Pahayag ng Sparkle star, “I was sticked with Esnyr pero nung nakita ko silang lahat may heart really told me na it's Mowm [Klarisse De Guzman].”
Kasunod nito, ipinagmalaki pa ng Kapuso star ang ginawa ni Klarisse, “Pinaglaban niya po ako sa housemates.”
Pagbabahagi ni Klarisse kina Shuvee at Aubrey. “Parang nakikita ko na medyo somehow na medyo out of place ka [Shuvee]. Hanggang sa kwentuhan po kami. Tawa lang kami, nagkasundo po talaga kami.”
Matatandaang sa recent guesting ng ShuKla sa Unang Hirit, ipinasilip ang makulit na bonding moment ng dalawa, kung saan sinundo ni Shuvee si Klarisse sa Big Brother House gamit ang isang motorsiklo at sabay silang nagpunta sa GMA Network Center.
Samantala, sa iba pang guestings nila sa iba't ibang programa, talaga namang good vibes ang laging hatid nina Shuvee at Klarisse para sa Filipino viewers at kanilang fans.
Ang Island Ate ng Cebu at Kwela Soul Diva ng Antipolo ang latest evictees sa hit GMA and ABS-CBN collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.