GMA Logo former PBB housemates
Photo source: joshford321 (IG)
What's Hot

Ex-'Pinoy Big Brother' housemates, nag-bonding over dinner

Published July 4, 2025 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

former PBB housemates


Nagkita-kita muli ang ex-'Pinoy Big Brother' housemates para sa isang espesyal na dinner reunion.

Sa pagtatapos ng eviction night, muling nagkasama-sama ang ex-Pinoy Big Brother housemates para ituloy ang kanilang nabuong bonding at friendship sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa kanilang mini reunion sa labas ng bahay, spotted sa Instagram Stories ng MAKA star na si Josh Ford ang ilang photos kasama sina Shuvee Etrata, Klarisse De Guzman, Xyriel Manabat, Kira Balinger, AC Bonifacio, Dustin Yu at Bianca De Vera.

Halos kumpleto ang ex-PBB housemates sa isang masayang dinner reunion na makikita sa kanilang group photo na mayroong caption na "Hindi na monggo," na siyang nagpasaya sa mga fans.

Tila nagkita-kita ang ex-PBB housemates sa It's Showtime studio, base sa Instagram Stories ng Sparkle artist kung saan makikitang kasama nila si Vice Ganda.

Nag-repost din si Josh ng isang video kung saan isa-isa nilang binabati si Vice na may kasamang kulitan at kuwentuhan na halatang aliw na aliw silang lahat sa pagkikita.

Matatagpuang hindi nakasama sa dinner reunion sina Michael Sager, Emilio Daez, Ashley Ortega, at Vince Maristela.

Nagkaroon din ng mini reunion ang ilan sa ex-PBB housemates noong idinaos ang Beyond75: The GMA Network 75th Anniversary Special.

Sina Dustin at Bianca ang latest evicted duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Talo sila sa tapatan nila ng BreKa duo (Brent Manalo at Mika Salamanca) para sa spot sa Big 4.

Huwag palampasin ang mga susunod na pangyayari lalo na sa nalalapit na Big Night.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.