What's on TV

ExB Rules!: Ex Battalion, affected na sa mga bashers?

By Bianca Geli
Published June 25, 2018 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News



Sa June 25 episode ng 'ExB Rules!,' mapapanood ang reaksyon ng Ex Battalion sa mga nagkokomento na jejemon daw ang kanilang grupo. 

Sa June 25 episode ng ExB Rules!, mapapanood ang real talk ng Ex B boys. Sasagutin nila kung sino ang mahirap gisingin, sino ang may mood swings, sino ang pinakakulelat sa rap, sino ang madalas ma-late, sino ang pinaka-professional, sino ang magaling magpayo tungkol sa love life, at iba pa.

Ipapakita rin ng Ex B kung ano ang definition nila ng hypebeast at kung apektado ba sila sa mga bashers na nilalait sila at tinatawag na jejemon.

Kuwento ni Bosx1ne, “Ang pagkakaintindi kasi ng iba, ang hypebeast, jejemon. Ang hypebeast kasi, isa sa pinakamagaling pumorma ‘yan.

Paliwanag ni Flow-G, “Karamihan kasi sa mga lumalabas na videos, negative ang hypebeast. Pero ‘pag sa ibang bansa, ‘pag sinabi mong hypebeast…’yung porma kasi ng mga hypebeast, puro mamahaling gamit.”

‘Di maikakailang proud hypebeasts ang Ex Battalion, at matibay sila laban sa mga bashers. Pero paano kaya nila sinusuportahan ang isa’t isa at naiiwasan ang mga alitan? Totoo bang may dalawang miyembro na may tampuhan ngayon?

Watch the latest episodes of ExB Rules! uploaded every Monday at 5PM on ‘GMA ONE (Online Exclusives)’ on gmanetwork.com/gmaone.