GMA Logo Dingdong Dantes on Amazing Earth
What's on TV

Exciting journey at extreme adventure, tampok sa 'Amazing Earth' ngayong October 3

Published October 2, 2025 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH companies lost P4 trillion to fraud in 2025, TransUnion says
Group condemns alleged poisoning of dogs in Samal
These are the biggest food stories of the year

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes on Amazing Earth


Abangan ang mga inihanda ng 'Amazing Earth' ngayong Biyernes, October 3.

Exciting journey na mayroon pang extreme adventure ang inihanda ng Amazing Earth.

Ngayong Biyernes, October 3, makakasama natin sa Amazing Earth ang fast-rising actress na si Angelica Hart. Magpupunta siya sa Pradera Islands Theme Park sa Lubao, Pampanga para sa thrilling extreme rides adventure. Kakayanin ba ito ni Angelica?

Ipakikilala pa ng Amazing Earth ang mountaineer, photographer, and nature docu-filmmaker na si Vincent Ardnie Caballero mula sa Carcar City, Cebu. Siya ay ang kinaaliwan ng netizens dahil sa hiking videos na naka-dinosaur costume. Ibabahagi naman ni Vincent ang practice of reflective hiking, ang unique way of climbing na tumutulong emotionally, mentally, and spiritually habang binubuo ang kaniyang koneksyon sa kalikasan.

Magsisimula na rin ang bagong serye ng Amazing Earth ngayong October 3. Sa Biyernes, abangan ang premiere ng brand-new wildlife documentary series na Wild Survivors: Animal Allure na ina-narrate ng ating award-winning host na si Dingdong Dantes. Ang seryeng ito ay magpapakita ng buhay ng mga hayop sa Luangwa Valley, Zambia.

Abangan ito at marami pang iba sa Amazing Earth ngayong Biyernes, October 3, 9:35 p.m. sa GMA.

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: