
Lubos daw na ikinagalak ni Kapuso actor Alden Richards ang mga positibong komento sa kanyang costume para sa upcoming GMA telefantasya na Victor Magtanggol.
"Majority of it are good comments," pagtukoy niya sa feedback na natanggap niya mula sa mga netizens at sa mga kaibigan niya sa industriya.
"In my opinion, since I'm the one who is wearing it, maganda siya, type ko siya. It's comfortable. I like the feel. Feeling ko, superhero talaga ko 'pag suot ko siya. I think we're on the right track," dagdag niya.
Si Edrian Baydo, isang concept artist at illustrator para sa mga mobile games, ang nagdisenyo ng superhero costume ni Victor Magtanggol. Base daw ito sa lamellar and mail armor ng mga Viking at hinaluan niya ng ilang elementong Moro.