
"Kailangan ko lang mag-trabaho ngayon kaya nandito ako. Pero babalik din ako dun sa anak ko.” - Alma Moreno
Pinuri ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio ang co-star niya sa Tsuperhero na si Alma Moreno na sa kabila ng kontrobersiya na kinakaharap ng anak nito ay very professional pa rin ito sa taping nila sa show.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Derrick sa pictorial ng Tsuperhero sa studio ng GMA Network compound, ngayong Lunes, October 10, hanga ang Kapuso actor sa focus ng veteran actress sa kaniyang trabaho.
Kuwento ni Derrick, “We’ll actually hindi nga namin nafi-feel may pinagdadaanan siya parang focus siya sa work and hindi niya ino-open ‘yung topic na ‘yun. As in very professional pa rin.”
Todo din ang suporta ng buong cast kay Alma Moreno. Ayon kay Derrick na ginagawa daw nilang happy ang mood sa set para mapagaan daw ang loob nito.
Aniya, “Well kami siguro ‘yung support na ibibigay namin sa kaniya to make her feel happy whenever she’s acting with us kasi siyempre ang stressful naman kung mabigat ‘yung set, tapos mabigat po ‘yung [nararamdaman niya] dapat parang light lang di ba.”
“Biro-biruin mo ng konti, ganun siguro, ‘yun na ‘yung pinaka-support. Papasayahin mo lang siya,”
Last week, nahuli ng mga awtoridad ang former Gwapings star na si Mark Anthony Fernandez sa Pampanga na diumano ay may dalang isang kilong marijuana sa kaniyang kotse.
Depensa naman ng aktor na planted daw ang nakuhang droga sa sasakyan niya, “Konti lang po ‘yung dala ko nun tapos biglang may naglagay po ng isang kilo [marijuana] po dun sa kotse ko nang tumigil ako.”
WATCH: Mark Anthony Fernandez naluha nang dinalaw ng live-in partner sa kulungan
Nagbigay naman ng maikling pahayag si Alma Moreno sa GMANetwork.com ngayong araw, sa pictorial ng Tsuperhero.
Dito inamin ng Kapuso actress na kahit nagtra-trabaho siya ay iniisip pa rin niya ang lagay ng kaniyang anak na si Mark Anthony.
Ani Alma, “Ako ngayon hirap. Nandito ako ngayon kailangan kasi na mag-trabaho ako, siguro hindi ako nandito pero ‘yung puso ko nandun pa rin [sa anak ko]. Naiintindihan mo siguro nakikita mo akong nag-ii-smile, pero nahihirapan ako kailangan ko lang mag-trabaho ngayon kaya nandito ako. Pero babalik din ako dun sa anak ko.”
MORE ON 'TSUPERHERO':
Bea Binene on the DerBea love team: "Hindi kami scripted"
'Tsuperhero' star Derrick Monasterio may kilig post para sa ka-love team na si Bea Binene
EXCLUSIVE: Derrick Monasterio ramdam ba ang pressure na maka-trabaho si Michael V sa 'Tsuperhero?'