What's on TV

EXCLUSIVE: Andrea Torres on 'Victor Magtanggol' fight scenes: "Karir talaga"

By Aedrianne Acar
Published September 18, 2018 5:00 PM PHT
Updated September 18, 2018 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: January 2, 2026 [HD]
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News



Andrea Torres more inspired to do her stunts in 'Victor Magtanggol' because of positive feedback from viewers.

Ramdam ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres ang pagmamahal ng mga manonood na natutuwa sa pagganap niya bilang goddess na si Sif sa Victor Magtanggol.

WATCH: Alden Richards, Andrea Torres at Pancho Magno, nag-rehearse para sa fight scenes ng 'Victor Magtanggol'

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Andrea, sinabi niyang mas lalo siyang ginagahan na magtrabaho sa tuwing mababasa ang positive feedback ng mga Kapuso online.

Wika niya, “Kinikilig ako kaya tina-try ko talaga na sumagot sa tweets nila, kasi nakikita ko, nakikita ko lahat and nakakagana siyempre, lalo tuloy akong napapaisip kung ano pa puwede kong gawin para maaliw sila.”

Kamakailan lang napasabak ang karakter niya na si Sif sa matinding sagupaan laban kay Loki na ginagampanan ng versatile actor na si John Estrada.

Kuwento ni Andrea, mabusisi talaga ang team ng Victor Magtanggol sa tuwing may fight scenes. Ito ay para lalo pang mapaganda ang mapanonood ng viewers sa kanilang primetime series.

Aniya, “Opo, talagang grabe 'yung mga fight scenes naming, e. Kinikilatis nila bawat eksena, na para kaming gumagawa ng commercials. May story board kami, karir talaga!”

“Pero fulfilling after lalo na kapag dinikit-dikit na 'yung eksena.”

Kahit siya raw mismo ay nagsa-suggest sa stunt directors nila sa show para mas maging astig ang mga eksena ni Sif tuwing may bakbakan.