What's Hot

EXCLUSIVE: Anne Curtis wants to be part of 'TGIS' reboot

By Rowena Alcaraz
Published January 24, 2019 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



What role would Anne Curtis play if 'TGIS' were to have a reboot? Find out in this article.

Very much alive pa rin ang fans ng sikat na '90s youth-oriented show, ang 'TGIS,' at marami din sa kanila ang humihiling na sana ay ibalik ito sa TV o magkaroon ng reunion project ang stars nito.

Anne Curtis
Anne Curtis

Natiyempuhan ng GMANetwork.com ang isa sa mga well-loved na cast ng show na si Anne Curtis sa katatapos lang na Enervon Double the Happiness presscon at tinanong namin siya kung nais ba niyang maging parte ng show kung sakaling magkakaroon ng reunion project o reboot.

IN PHOTOS: 'T.G.I.S.' cast members reunite after 23 years

Mabilis ang sagot ni Anne na tila na-excite sa idea.

"I wanna be part of it! Gusto ko, ako pa rin si Em!" saad niya.

Ginampanan noon ni Anne ang character ni Emily, ang medyo boyish na dalagitang secretly in love sa kanyang kaibigan played by Chubi del Rosario.

Sakali namang ito ay isang reboot ng mature version ng cast, walang ibang naisip si Anne na gumanap sa role kundi ang kanyang kapatid. "I would like Jasmine to play Em."

EXCLUSIVE: Anne Curtis dreams of doing a psychological thriller film with sister Jasmine