
Napabilang sa naglalakihang artista at personalities si Jasmine Curtis-Smith sa gumanap sa panibagong Christmas Station ID ng Kapuso network na “Love Shines.”
Kaya naman para sa aktres, isang malaking karangalan ang maging parte ng taunang tradisyon.
“It's always nice to see the concept na mabibigay ng network to make the Christmas feel come out,” saad nito sa GMANetwork.com
“Siyempre iba rin 'yung manonood ka sa bahay kasi iba 'yung mararamdaman mong warmth from the stories that you see sa Station ID and at the same time from the artists also na nakikilala nila kahit 'di gabi-gabi pero at least you know even once in a while.
“So 'yun, I'm glad to be able to share that moment even just through the screen.”
Kuwento ni Jasmine, importante ang mensahe ng kantang “Love Shines” dahil ibinabahagi nito ang halaga ng pagmamahal.
“I think what it's trying to say is tuwing Pasko, pinakaimportante talaga 'yung pagmamahalan natin sa isa't isa.
“Ito 'yung mashe-share natin sa buong mundo na magsisimula sa bahay natin --mula sa isa't isa hanggang sa mag-radiate na yan sa buong mundo.
“Start pa lang 'yung sa Pasko.”
IN PHOTOS: Kapuso stars na kumanta ng 2019 GMA Network's Christmas Station ID
EXCLUSIVE: Aicelle Santos, ibinahagi ang kahulugan ng Christmas Station ID song na "Love Shines"