What's on TV

EXCLUSIVE: Ano ang masasabi ni Kim Domingo matapos mabigyan ng sariling segment sa 'Bubble Gang?'

By Aedrianne Acar
Published October 18, 2018 11:38 AM PHT
Updated October 18, 2018 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News



Malaki ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Kim Domingo sa big break na ibinigay ng 'Bubble Gang' at ng Kapuso network sa kanya.

Tutok ngayong ang Asia's Fantasy na si Kim Domingo na maipakita ang iba niyang talent bukod sa pagpapa-seksi.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Kapuso bombshell sa pictorial ng kaniyang show nito lamang Lunes, October 15, gusto daw niya na makilala bilang isang versatile actress.

Ani Kim, “Palaging kong sinasabi na ayoko lang na mag-stay ako sa Kim Domingo na sexy.”

“Gusto ko marami akong kayang gawin, marami akong puwedeng gawin like lagi kong sinasabi sa mga interview na gusto ko rin mag-drama 'yung heavy drama para at least maipakita ko din 'yung talent ko na as Kim Domingo, hindi lang sa comedy, hindi lang pa-seksi. Kaya din niya mag-drama gusto ko marami akong ginagawa, marami ako kayang ipakita.”

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Kim sa mother show niya na Bubble Gang.

Matatandaan na ito ang first show na nagbigay ng big break sa aktres taong 2016.

Dagdag ni Kim, hindi siya makapaniwala na nabigyan siya ng sarili niyang segment sa multi-awarded gag show ng bansa.

“Ay siyempre mas lalo akong thankful kasi nabigyan ako ng sariling segment which is 'Patikim ni Kim' na kumbaga nakatatak na sa akin 'yun eh kapag sinabi na Kim Domingo ng Bubble Gang ay si Patikim ni Kim yan.”

Abangan ang pasabog na inihahanda ng Bubble Gang barkada para sa kanilang 23rd anniversary soon on GMA-7!