What's Hot

EXCLUSIVE: Ano ang payo ni Mayor Isko Moreno tungkol sa pag-aartista ni JD Domagoso?

By Cherry Sun
Published January 21, 2021 2:50 PM PHT
Updated January 21, 2021 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mayor Isko Moreno and JD Domagoso


Tulad ng kanyang amang si Manila Mayor Isko Moreno ay tinahak din ni JD Domagoso ang pag-aartista.

Sasabak na hindi lamang sa kanyang lock-in taping ngunit pati na rin sa kanyang unang TV series si Joaquin o JD Domagoso para sa First Yaya. Ano kaya ang payo sa kanya ng kanyang amang si Manila Mayor Isko Moreno na minsan ding pinasok ang showbiz?

Mayor Isko Moreno and JD Domagoso

Bago makilala bilang yorme si Isko, ang batang laki sa Tondo ay nakilala muna bilang isang matinee idol nang dahil sa GMA program na That's Entertainment ni Master Showman German “Kuya Germs” Moreno.

Matapos ang ilang dekada, sinundan ng kanyang anak ang kanyang tinahak na landas at pinasok din nito ang pag-aartista. Naging Kapuso talent si JD noong 2019.

Unang naging bahagi si JD ng Sunday variety show na Studio 7. Ngayong taon, mas malaking proyekto ang nakaabang sa kanya dahil gaganap siya bilang isa sa cast members ng First Yaya. Ang naturang Kapuso rom-com series ay pagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Nauna nang mag-lock-in taping ang co-stars ni JD bago magtapos ang taong 2020. Magsisimula muli ang production nito ngayong Enero at bahagi na nito ang batang Kapuso actor.

Ayon sa kanyang exclusive interview sa GMANetwork.com, suportado siya ng kanyang magulang ngunit hindi maiwasang magkaroon ng agam-agam ang kanyang ina.

Aniya, “There's a bit of hesitation from my mom's side because siyempre mami-miss niya ako and wala lang, I don't know… Mommies, mommies, you know, they get worried a lot. But my dad, wala naman. He trusts me na siguro na kaya ko 'to. Ito nga ang pinasok kong job na gusto ko so he's not gonna be worried for me that much anymore. It's already been a long time at saka I'm in good care naman with my managers and handlers. Kaya po, there's not much worry for them.”

Ibinahagi rin ni JD ang payo sa kanya ni Mayor Isko.

Pag-alala niya, “Galingan ko lang daw because first-time ko 'to eh so 'wag daw ako magpahiya, or like don't make it embarrassing 'yung work ko, like what I do.”

Dugtong pa niya, nakakatanggap din siya ng acting advice mula sa seminars at workshops ng GMA Network.

Wika ni JD, “'Yung binibigay ni Papa sa akin is like general advice lang. But when it comes to really acting po, doon ko nakukuha sa mga workshop.”

Panoorin ang kabuuan ng kanyang interview sa video sa itaas.