
Na-mi-miss niyo na ba ang Meant To Be boys? Natapos man ang recent project nila Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj, tiniyak naman ng boys na may mga susunod na project pa rin sila sa Kapuso Network.
Ani ni Jak, "Babalik ko sa Bubble Gang at sa Dear Uge. Tapos balik gym na ulit." Na-mention din niya na may possibility din maging regular member ng Bubble Gang si Addy. Paliwanag niya, "Si Addy, sana, pero di pa confirmed."
Si Ivan naman ay meron nang naka-lineup na proyekto, pero wala pa ring detalye ang aktor kung ano ito. Aniya, "Pag may dumating na project, sabi meron, pero alam mo 'yung, basta hindi pa nagsasabi sa akin kung ano talaga. Pero, 'yun."
Si Ken naman ay tuloy pa rin sa Day Off. Ika niya, "Nandyan pa rin yung Day Off. Kasama ko si Janine Gutierrez. Looking forward sa mga susunod na gagawin ko sa GMA 7. Wala pang specific details, pero for sure meron, and I'm really excited sa bagong ipapakita namin sa mga Kapuso."
Recently ay nag-guest din sina Barbie Forteza at ang kanyang ka-Meant To Be na si Ken Chan sa Celebrity Bluff.