
Kahit hindi niya personal na nakilala ang tinaguriang hottest doctor of Instagram, pansin niya na maaaring ito rin ang nagdudulot ng kasiyahan ngayon kay Pia.
Noong nakaraang buwan ay nagkaroon ng opportunity si Ariella Arida na bisitahin at makipag-bonding sa kanyang kaibigan at fellow beauty queen na si Pia Wurtzbach. Ano kaya ang masasbi niya tungkol sa love life ng Miss Universe titlist?
Kuwento ni Ariella sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com, “We got lucky na naging free ‘yung weekend niya that time na nandoon kami kasi normally busy talaga siya. Akala nga namin parang meet lang kami for brunch pero nagtuloy-tuloy na siya hanggang gabi na, hanggang kinabukasan na.”
“Na-feel ko talaga how na-miss niya ‘yung friends talaga kasi iba ‘yung environment doon eh. I mean, alam mo ‘yun parang syempre iba talaga pag may pamilya ka or may mga friends ka around,” dugtong ng Wowowin co-host.
Ani Ariella, kahit tila naho-homesick si Pia ay abala naman ito sa kanyang responsibilities bilang reigning Miss Universe at ito daw ang nagpapasaya sa kanya.
Sa parehong bisita sa kaibigan ay inasahan din daw niyang makikilala ang rumored boyfriend ng kaibigan niya na si Dr. Mike Varshavski. Kahit hindi niya personal na nakilala ang tinaguriang hottest doctor of Instagram, pansin niya na maaaring ito rin ang nagdudulot ng kasiyahan ngayon kay Pia.
READ: Killig twitter exchanges between Pia Wurtzbach and Dr. Mike in Filipino
“Basta noong nakita ko siya blooming naman [siya], so baka ‘yun ‘yung effect. Actually blooming siya at sexy pa rin siya,” komento ni Ariella.
Hindi raw nila napag-usapan ang lovelife ng kanyang kaibigan gawa ng kasabikang magkuwentuhan tungkol sa isa’t isa. Gayunpaman, ipinahayag niyang suportado niya si Pia.
Ani Ariella, “Of course (I support her). Kung ano gusto niya eh di go kasi kahit ano namang sabihin naming, siya pa rin ‘yung masusunod. Pero nandito kami to give advice, parang ganyan. Kung may gusto siyang i-share nandito lang kami para makinig. Supportive friends lang kami kasi siya pa rin ‘yan.”
MORE ON ARIELLA ARIDA:
READ: Ariella Arida reveals Pia Wurtzbach’s secret to being confidently beautiful
READ: Ariella Arida, at home agad sa Wowowin