
READ: Pancho Magno shares details of upcoming wedding with fiancée Max Collins
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Arny pagkatapos ng ArtisTambayan event ng GMA Social Media Team this July 13, nagulat siya nang mag-announce ang dalawa na ikakasal na sila.
Ayon sa Bubble Gang star, “Actually gusto niya maging intimate talaga itong wedding niya talaga. Pero nakakatuwa lang kasi ni-reveal niya. Sobrang alam ko ‘yung relationship nila ni Pancho (Magno), sobrang love nila ‘yung isa’t isa.”
Hindi rin daw agad naisapubliko nina Max at Pancho ang kanilang engagement dahil kailangan daw nilang ikonsidera ang kanilang mga showbiz career.
“Pero siyempre kinoconsider din nila ang showbiz, nagulat na lang ako na nung nag-pose sila in their Instagram accounts ng pictures nila na may singsing na, so I am happy for them.
Kuwento pa ni Arny na hindi pa nagshi-share si Max Collins ng details ng kaniyang dream wedding, pero labis daw ang kasiyahan nito na hindi niya kailangang itago pa sa tao ang nalalapit niyang kasal.
“Pero about the details wala pa siyang masyadong shini-share, basta ang alam lang namin sobrang saya niya ngayon na nailabas na niya rin ‘yung feelings niya, na nasabi niya na rin na engaged na siya, so wala na siyang tinatago. Mas masaya naman talaga na wala ka nang tinatago.”
Panoorin ang full video ng ArtisTambayan event kung saan naka-chat ng mga Kapuso netizens sina Arny Ross, Juancho Trivino at Kapuso Pantasya ng Bayan Kim Domingo.
Juancho Trivino, Kim Domingo, and Arny Ross are now LIVE! #MPKOnArtisTambayan #KimDomingoOnMPK
Posted by GMA Network on Wednesday, 12 July 2017