GMA Logo
What's Hot

EXCLUSIVE: Arra San Agustin, nagpapasalamat sa patuloy na suporta ng kanyang fans

By Cherry Sun
Published December 9, 2019 2:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DPWH Sec. Dizon at the Ombudsman (Jan. 12, 2026) | GMA Integrated News
Over 1,100 families flee as Mayon unrest continues
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



May mensahe si Arra San Agustin para sa kanyang mga masusugid na tagasuporta. Alamin 'yan mula sa kanyang exclusive interview dito.

Puno ng pasasalamat at inspirasyon si Arra San Agustin dahil sa masugid na suportang natatanggap mula sa kanyang fans. Sa katunayan, tuwang-tuwa ang Kapuso actress nang sorpresahin siya sa set ng Madrasta ng ilan niyang tagahanga.

Noong Biyernes, December 6, tatlong fans ni Arra ang bumisita sa kanya habang nagte-taping ang aktres para sa Kapuso drama.

EXCLUSIVE: Fans surprise Arra San Agustin at the set of Madrasta

Aniya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “I'm grateful and sobrang thankful that they spent so much time and effort to come here. Siyempre hindi rin naman ding madaling hanapin 'yung set at hindi madaling iwanan 'yung responsibilities mo sa day mo para mag-visit ng isang tao so sobrang nakaka-touch lang and nakaka-appreciate na may mga taong magko-commit ng oras para sa'yo at saka bibigyan ka pa ng mga gift.”

Ang mga simpleng ginagawa raw ng kanyang mga tagasuporta ang kanyang pinagkukunan ng lakas upang lalong paghusayan ang kanyang trabaho.

“Sobrang sweet and mas nagkakaroon ako ng confidence na gawin 'yung craft ko, na magpatuloy na maging inspired kasi may mga tao na sumusuporta. Sila 'yung naging instrument ni God para magpatuloy and para ma-motivate ko 'yung sarili ko,” dagdag ni Arra.

Mensahe rin niya para sa kanila, “Thank you to each and everyone of you. For me, kung ilalagay ko sarili ko sa shoes niyo, hindi madali. Hindi talaga madali na pumunta dito, mag-visit, gumugol ng oras. So maraming maraming salamat at salamat sa pagpapataba ng puso. And I love you.”

WATCH: Arra San Agustin, bibigyang hustisya ang bansag sa kanya na "Newest Gem of Drama"