
Nakagugulat ang kuwento ni Athena Madrid tungkol sa pagkakaroon niya ng COVID-19 noong Marso.
Matatandaan na humarap ang bansa sa matinding pagsubok nang biglang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 infections.
Umabot pa sa puntong nagpatupad ang gobyerno ng enhanced community quarantine sa buong Metro Manila at ilang karatig lugar para mapigilan ang paglobo ng mga tao na tinatamaan ng naturang sakit.
Ayon kay Athena, nakaramdam siya ng sintomas matapos ang kanyang birthday noong Marso.
“Tinamaan ako ng COVID after ng birthday ko, March 6. And then, naka-isolate lang ako nun sa room ko ng 30 days.
“'Tapos 'yung sa akin kasi lahat ng symptoms na ano ko, e, naranasan ko and my asthma ako.
“Before nagkaroon ako ng heart problem, so dumating ako sa point monthly nagpapa-ECG ako, so mas naging kritikal 'yung COVID sa akin.
“And nafeel ko na parang meron na lumalabas na water sa throat ko, so sabi ng nurse ko na pinsan, hindi na daw maganda, pero hindi ako nagpasugod sa hospital, kasi alam ko mas mahihirapan ako dun," kwento ni Athena sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com ngayong Miyerkules, June 30.
Marami rin daw projects ang naunsyami dahil sa pagkakasakit niya.
Sabi ng nakababatang kapatid ni Ruru Madrid, “Actually, noong naka-COVID ako, ang daming shows na hindi natuloy--Bubble Gang, Magpakailanman ang dami.”
"So ito na 'yung [blessing after everything that happened]. Kaya sobrang happy ako na nakuha talaga ako dito sa To Have And To Hold.”
Sa upcoming GMA drama series, gaganap si Athena bilang si Grace at makakapareha niya rito ang actor-model na si Luis Hontiveros, na gaganap bilang Daryl.
Ayon kay Athena, nag-audition siya virtually para sa To Have And To Hold habang naka-isolate.
Kaya ganoon na lamang daw ang iyak at saya nang malaman na siya ang napili for this project, kahit may karamdaman noon.
Aniya, “Grabe, umiyak ako noon. 'Di ba, Luis? chinat ko pa si Luis nun, 'Oh My God! Parang sure na ako na talaga.
“Kasi nung first na nag-audition ako nagka-COVID ako,e. 'Tapos, first audition ko, alam ko talaga sa sarili ko na hindi ko talaga nabigay lahat.
“Kasi, alam ko second day ko 'yun na may COVID, so 'yung katawan ko talaga nun sobrang walang gana, sobrang pinipilit ko lang sarili ko, pero 'yun nga alam ko sa sarili ko.
“And then buti binigyan ako ng chance na mag-audition uli, ayun, pinaghandaan talaga namin ni Luis--humingi kami ng tulong sa acting coach naming si Miss Ana Feleo. “
“Sobrang saya, nung nagda-draw lines na kami ni Luis dun sa audition and then kinabukasan nun nag-chat na 'yung manager ko na, ako na daw. Sure na daw na napili na ako ganyan, so sobrang umiyak ako.” pag-aalala ni Athena ng malaman na kabilang na siya sa soap.
Samantala, nangingibabaw naman kay Luis Hontiveros ang pasasalamat dahil kahit may pandemic ay nabigyan siya ng pagkakataon maging bahagi ng malaking proyektong pagbibidahan nina Carla Abellana, Rocco Nacino, at Max Collins.
Lumipat sa Kapuso Network si Luis noong 2020 at last project niya ang drama-anthology series I Can See You.'
Kuwento ni Luis sa GMANetwork.com nang malaman na siya ang napili na gaganap na Daryl, “Going back sa initial reaction ko was overwhelmed. In disbelief ako, kasi parang pandemic, e.
"Daming artista nawalan ng trabaho for a good amount of time, long-time actually.
“Not just the artista, but the whole industry and then when I got that news parang, 'Oh, okay. There's still hope'
“Things are going back to normal, slowly but surely and parang personally, sabi ko, ang suwerte ko, kasi kahit sa kabila ng pandemic--may kontrata tayo with GMA and then now a teleserye project. It's my first time having you know that kind of blessing, so I'm really grateful.”
Ipinasilip naman ni Athena sa kanyang recent vlog ang ilan sa behind-the-scenes sa first-leg ng lock-in taping nila sa To Have And To Hold.
Kumusta kaya ang on-screen chemistry nina Luis at Athena?
Silipin sa vlog ni Athena: