
Rere Madrid is one step closer to her dream matapos pumasok sa Final 14 ng groundbreaking reality artista search ng GMA-7 na StaStruck.
Nakababatang kapatid si Rere ng Kapuso hottie na si Ruru Madrid na produkto din ng isang talent search sa TV na Protégé.
Jeremy Sabido, Rere Madrid, at Lexi Gonzales, pasok na sa Final 14 | Ep. 3
Sa Tweet ng Kapuso actor, sobrang natuwa ito nang makasama sa next stage ng kompetisyon si Rere.
“Congrats on being part of Starstruck's Top 14, @realreremadrid ! You deserve it! Prove the people who doubt you wrong. Show everyone what you can do and who you can be. Maraming Salamat po, Ama!”
Congrats on being part of Starstruck's Top 14, @realreremadrid ! You deserve it! Prove the people who doubt you wrong. Show everyone what you can do and who you can be. Maraming Salamat po, Ama! 🙏🏻 Re, always know… https://t.co/AVnmpXOiVl
-- Ruru✖️Madrid (@Rurumadrid8) Hunyo 22, 2019
Sa exlcusive interview naman ni Rere sa GMANetwork.com, ni-reveal niya na sinadya niyang itago kay Ruru na sumali siya sa StarStruck.
Ano kaya ang naging dahilan niya?
Paliwanag ng StarStruck hopeful, “At first nung nag-start po ako sa audition actually hindi ko agad pinasabi sa kanya. Kasi parang gusto ko malaman niya na 'pag nakapasok na ako sa Top 14.”
“But nung Top 14 nalaman niya na. Parang may nagsabi [from the] prod (production). So sobrang late niya na nalaman.”
Dagdag niya, “Sinabihan ko 'yung parents ko na huwag sabihan. Nag-audition po ako sa Dagupan eh, as in last auditon na. I'm so thankful ako na nakapasok ako sa Top 80, Top 40 then Top 22.”
Nag-iwan din daw si Ruru ng payo sa kanya na lagi niyang tinatandaan.
Wika ni Rere, “He (Ruru) texted me po na parang 'Hoy! Pumasok ka pala sa StarStruck! Kailan mo balak sabihin sa akin?"
“Dapat mahalin ko raw 'yung craft ko kasi 'pag minahal mo 'yung pangarap mo, matutupad mo.”
Hindi pa rin nga raw makapaniwala si Rere na nakapasok na siya sa Top 14 ng StarStruck at nagawa niyang suklian ang effort ng mga tao na sumusuporta sa kanya.
“Sobrang unexpected kasi kaming three pinagtapat as in close friends kami, so parang oh my God! Kaming tatlo sobrang deserving po talaga makapasok sa Top 14.”
“Mixed emotions eh, pero lalo akong na-excite sa mga puwedeng mangyari 'pag Top 14 na kami and siyempre sobrang happy ko kasi nasuklian ko 'yung mga sumusuporta sa akin,”
Nakakataba rin ng puso ayon kay Rere na nakatanggap siya ng papuri mula kay Cherie Gil sa ipinakitang niyang talent sa pag-arte sa StarStruck.
“Sobrang na-flatter kasi grabe, Ms. Cherie Gil! Parang sasabihin sa 'yo na sa lahat daw po ng nakita niyang capsule video ako raw po 'yung pinaka-natural.”