
Ang bagong "kompetisyon" ng JEYA, ang GAYA boys, ay lumabas na sa Meant To Be. Ano naman ang masasabi ni Barbie sa pagdating nina Matthias Rhoads bilang Gordon Smith, Vince Vandorpe bilang Calvin "Avi" Jacobs, Dave Bornea bilang Andrew Zapata, at Carl Cervantes bilang Alexander "Yexel" Smith?
Aniya sa isang exclusive interview with GMAnetwork.com, masaya naman daw siya dahil ito siguro ang magiging turning point ng boys para mapatibay ang friendship nila ulit.
Ika niya, "Feeling ko 'yung friendship nila mas mabo-bond ulit. Kasi sa nangyayari ngayon sa story, medyo nagiging magkaka-competition na sila. So hindi na sila barkada talaga, from when we first met JEYA. So, ngayon feeling ko sa pagpasok [ng GAYA boys] mababalik, or mas titibay 'yung bond nila bilang JEYA."
Dapat din daw abangan kung sino ang magiging love interest ng four boys.
More on Meant To Be:
IN PHOTOS: ‘Meant To Be’ boys are #BarkadaGoals this summer
What you've missed from Meant To Be's episode on May 9
What you've missed from Meant To Be's episode on May 8