GMA Logo David Licauco and Barbie Forteza
Image Source: sparklegmaartistcenter (IG)
What's on TV

EXCLUSIVE: Barbie Forteza at David Licauco, ibinahaging maraming nadagdag sa love story ng FiLay sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published February 13, 2023 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco and Barbie Forteza


Ayon kina Barbie Forteza at David Licauco, marami raw nadagdag sa love story ng kanilang mga karakter na si Klay at Fidel sa 'Maria Clara at Ibarra.'

Inilarawan nina Sparkle stars Barbie Forteza at David Licauco bilang overwhelming at unexpected ang atensiyong natatanggap nila dahil sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Mainit kasing tinanggap ng mga manonood ang tambalan nila bilang mga karakter na Klay at Fidel sa serye.

Si Klay ay isang Gen Z nursing student mula sa modernong mundo habang si Fidel naman ay isang ilustrado na mula sa mundo ng nobela ni Jose Rizal.

Nagsimula ang kanilang tambalan bilang isang side story na pampagaan ng kuwento sa gitna ng mga mabibigat na eksenang hango sa Noli Me Tangere.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi nina Barbie at David na maraming pagbabago ang naidagdag sa kuwento nina Klay at Fidel.

"It's a good addition to the show, another flavor, a new flavor. Ongoing ang aming production while airing so that's why nagkaroon ng maraming revisions, nagkaroon ng maraming changes. Nagkaroon sila ng chance to change some things for the better dahil nagbe-benefit ang lahat. Nabe-bless ang lahat because of it," pahayag ni Barbie.

Malaki raw ang pasasalamat nila sa fans ng show at sa mga FiLay shippers dahil ito ang rason para sa mga pagbabagong ito.

"I think prior to this, role ko lang talaga is to be good friend and a love interest also of Barbie. Right now, it's completely different. Biglang mas lumaki 'yung role and all that. Thank you sa mga sumuporta. Thank you sa mga writers na nagpaganda ng role ko," lahad naman ni David.

Nangako naman ang aktor na magugustuhan ng mga manonood ang mga pagbabago sa kanyang karakter bilang pagpupugay na rin sa mga taong nagtiwala sa kanya.

"'Yung last remaining scenes na na-revise, hindi ko sila bibiguin for the trust. Imagine revising a big part of the story for a character. I know that that's heavy and I won't take this for granted," sambit ni David.

Image Source: davidlicauco (Instagram)



Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAKAKAKILIG NA EKSENA SA PAGITAN NINA KLAT AT FIDEL SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: