What's on TV

EXCLUSIVE: Barbie Forteza at Derrick Monasterio, balik-tambalan sa 'Inday Will Always Love You'

By Bea Rodriguez
Published February 21, 2018 4:55 PM PHT
Updated April 11, 2018 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Mas papainitin ng DerBie ang summer ngayong taon sa kanilang pagbibidahang romantic comedy primetime series na 'Inday Will Always Love You.'

Mas papainitin ng DerBie ang summer ngayong taon sa kanilang pagbibidahang romantic comedy primetime series na Inday Will Always Love You.

 

 

Nabuo ang love team nina Derrick Monasterio at Barbie Forteza sa 2010 youth-oriented TV series na Reel Love: Tween Hearts at noong huling taon ay lumipad patungong Italy ang dalawa para kunan ang kanilang reunion film na Almost A Love Story.

 

Ngayong 2018, excited na sina Barbie at Derrick na i-level up ang kanilang tambalan sa seryeng itatampok ang ganda ng Cebu.

“Na-miss ko si Barbie, real talk. Iba kasi kapag siya ang ka-work mo eh, parang ang gaan lang lagi kahit drama ‘yung scenes,” kuwento ng aktor sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Kahit nagkaroon ng ibang kapareha sina Derrick at Barbie sa iba't ibang Kapuso shows, hindi naman daw nabuwag ang kanilang nabuong samahan. Patunay ng Kapuso actress, “‘Yung feeling na kahit ang tagal naming nagkahiwalay as [a] love team, although lagi naman kaming nagkikita, hindi nawala ‘yung ‘click’ naming dalawa. Parang ang dali lang para sa amin [na] magsaluhan ng emotions [at] punch lines.”

Nagpapasalamat ang DerBie na binigyan sila ng proyektong swak sa kanilang personalities. Ani Barbie, “Kaming dalawa ni Derrick, in real life, komedyante rin talaga kami so thankful din kami kasi ang naibigay sa aming proyekto ay kumportable kami.”

Abangan ang Inday Will Always Love You, soon on GMA.