What's on TV

EXCLUSIVE: Barbie Forteza, naiinggit sa kanyang mga bashers?

By Bea Rodriguez
Published October 25, 2017 6:39 PM PHT
Updated November 2, 2017 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 180,000 passengers expected at PITX before Christmas week
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit nga ba? Alamin ang sagot ni Barbie.

Ngayong taon ay sumali si Kapuso Teen Queen Barbie Forteza sa advocacy campaign ng GMA laban sa cyberbullying, ang #HeartOverHate. 

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on


Bilang isang artista, sanay na umano ang aktres sa mga bashers at hindi na siya gaanong naapektuhan.
 
“Naawa ako sa kanila kasi wala silang mas makabuluhang ginagawa sa buhay kundi pagtuunan ng pansin kaming mga artista. At the same time, naiinggit ako kasi ang dami nilang time. Ako kasi, wala akong time na sagutin silang lahat, and parang hindi naman siya makakatulong sa akin,” kuwento ng teen actress sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
 
Aminado si Barbie na binabasa niya ang mga negatibong mga komento tungkol sa kanya sa social media ngunit hindi ito nakakaapekto sa kanya o sa trabaho niya bilang artista.
 
“Binabasa ko para lang aware ako kung ano’ng concern nila sa akin pero hindi naman para hayaan ko siya para makaapekto sa akin [at] para baguhin ko ‘yung sarili ko kung ano’ng gusto nila makita sa akin.

"Tinutuloy ko pa rin kung ano ang sa tingin ko ang tama [kasi] maayos pa rin naman ang trabaho ko. Kung sa tingin nila ay hindi maganda ‘yung ginagawa ko, huwag nila akong panoorin,” pagtatapos ng Kapuso star.