What's on TV

EXCLUSIVE: Benjamin Alves, pinaghandaan ang mga intense scene sa 'Dahil Sa Pag-ibig'

By Cara Emmeline Garcia
Published May 17, 2019 12:28 PM PHT
Updated May 17, 2019 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Benjamin Alves on preparing for his role in 'Dahil Sa Pag-ibig': "Ni-research ko talaga 'yung PTSD..." Read more:

Di mapagkakaila na napaka-intense ang bagong afternoon serye na pagbibidahan nina Benjamin Alves, Sanya Lopez, Winwyn Marquez, at Pancho Magno na pinamagatang Dahil Sa Pag-Ibig.

Benjamin Alves
Benjamin Alves

Sa trailer pa lang, makikitang napakabigat ng mga eksenang huhubog sa serye.

Sa naganap na mediacon noong Miyerkules, May 15, inamin ni Benjamin sa GMANetwork.com na first time lang niyang mapanood ang trailer ng serye bibidahan niya.

“Ngayon ko lang nakita 'yung trailer at ngayon lang ako kinabahan sa AVP.

“Para akong pinagpapawisan at kinakabahan.”

Gaganap si Benjamin bilang si Eldon Corpuz, isang OFW na susugal para sa magandang kinabukasan ng kaniyang pamilya at masusubukan ang kaniyang katatagan nang makaranas ng sunud-sunod na pagsubok sa buhay.

IN PHOTOS: The star-studded 'Dahil Sa Pag-ibig' mediacon

Para paghandaan ang serye, inamin ni Benjamin na mas nag-focus siya sa kaniyang mental and emotional preparedness para sa mga intense scene.

Aniya, “Mahirap talaga.

“Thankfully, hindi pa naman nangyayari sa akin 'yung nangyari kay Eldon - 'yung naaapi ka, the feeling of helplessness na wala kang magawa at sobrang surrender ka na.

“Isa na dito 'yung nasa desert kami at sumampa 'yung isang extra sa likod ko. I never had a guy behind me and sitting on me.

“Talagang sinabi ko, 'Direk Ricky [Davao]! Parang nanghihina ako.'

“Cause literally the guy stood on top of me and pressed. And ako talaga nabigla.”

Maliban sa emotional and mental preparedness, nagsaliksik din ang Kapuso actor tungkol sa PTSD o Post Traumatic Stress Disorder para mas mapabilib ang mga manonood sa kaniyang pag-arte.

Pahayag ni Benjamin, “Ni-research ko talaga 'yung PTSD.

“Siyempre na-rape ka at hindi na mawawala sa'yo 'yung alaalang iyon. Habang buhay mo nang kakargahin 'yun at talagang may magti-trigger dun sa iyo.”

“Sana po 'yung mga makakapanood makita na sinusubukan lang ni Eldon gawin 'yung pinakatama at the best of his knowledge na feel niya na ito yung way na para maayos ito.

“Kahit hindi tama sa viewers' eyes o hindi siya mako-conclude ng maayos, susubukan niyang itama 'yung mali niya.”