What's Hot

EXCLUSIVE: Betong Sumaya, nag-react sa mga bashers na sinasabing bastos ang pinapalabas ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published March 16, 2018 10:00 AM PHT
Updated March 16, 2018 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rent-a-car na tinangay at chinop-chop, nahanap gamit ang GPS; 4 arestado
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



May pahayag si Betong Sumaya sa mga nagsasabing bastos ang mga jokes at sketches ng 'Bubble Gang.'

Open sa criticism ang cast at production team ng longest-running Kapuso gag show na Bubble Gang.

Wet & Wild: 21 must-see bikini photos of the 'Bubble Gang' babes in Ilocos Sur

Ito ang binigyan diin ng isa sa mga mainstay ng comedy program na si Betong Sumaya sa one-on-one interview nito sa GMANetwork.com ngayong Huwebes, March 15.

Nagbigay din siya ng pahayag sa mga bashers na mahilig pumuna ng mga sketches o jokes na pinalalabas sa Bubble Gang.

Sabi ni Betong, “Tungkol dun sa mga bashers siyempre nire-respeto namin ang opinyon nila. Totoo naman talaga na nasa viewers na kung paano tatanggapin ‘yung mga jokes, di ba?”

Dagdag niya, “Pero siyempre iba naman ‘yung mga jokes na double meaning, pero ‘yun nga parang alam naman natin ‘yung show ay hindi naman talaga siya pambata. Kaya nga mayroon na SPG so talagang striktong patnubay ng magulang ang kailangan, so alam mo ‘yun?"

Sinabi din ni Betong na lahat nang napapanood sa Bubble Gang ay dumadaan sa pagsusuri upang masiguro na in “good taste” ito for viewing tuwing Biyernes ng gabi.

 

“Parang siyempre hindi din namin din sinasantabi ‘yung ganung comment, pero siyempre maraming pinagdadaanan lahat nang ano eh nashu-shoot namin. So mayroong writers, mayroong EP [Executive Producer], mayroong PM [Program Manager]. Mayroon pang pinakaboss namin, mayroon pang Legal, so alam mo ‘yun, ineere siya dahil hindi lang gusto namin magpatawa. Kumbaga, ineere siya in good taste.”