What's on TV

EXCLUSIVE: Boobay at Super Tekla, magtatambal sa isang digital show

By Cherry Sun
Published February 26, 2018 1:18 PM PHT
Updated March 12, 2018 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan sina Boobay at Tekla sa bagong web show ng GMA. Visit www.gmanetwork.com/tbats at ang GMA Network YouTube channel.

Matutupad na ang hiling ng netizens dahil magjo-join forces na sina Boobay at Super Tekla sa kanila sariling programa na The Boobay and Tekla Show na mapapanood sa GMANetwork.com/tbats at GMA Network YouTube channel.

Ang laugh-out-loud tandem at trending Kapuso comedians ang mangunguna sa bagong digital comedy program.
 
Sa kanyang interview sa GMANetwork.com, inamin ni Super Tekla na maligaya siya na nakakuha siya ng malaking break sa Kapuso network. Pahayag niya, “Malaking break ‘to sa amin ni Boobay kasi bilang komedyante kailangan lalo na ngayon ‘yung life natin umiikot sa social media. So itong digital show na ‘to, talagang magandang pasok sa amin ni Boobay. Sana mag-hit nang bonggang bongga.”

'Di rin maitago ni Boobay ang kanyang happiness. Sambit naman ni Boobay, “Thank you very much talaga sa GMA, sa GMA Online na binigyan kami ng pagkakataon na makapagpasaya sa mga Kapuso natin. At ito naman, kahit medyo kinakabahan kami, siyempre kasi hindi namin alam kung magiging ano ‘yung outcome, pero optimistic kami sa bagay na ‘yan. Makakapag-bigay kami ng kasiyahan sa ating mga Kapuso.”

IN PHOTOS: Boobay at Tekla, magsasama bilang hosts ng bagong online show

Abangan ang mga nakakaaliw at nakakatawang episodes ng The Boobay and Tekla Show tuwing Martes at Huwebes sa GMANetwork.com at GMA Network YouTube channel.