What's on TV

EXCLUSIVE: Boobay at Tekla, ano ang maipapangako sa crossover ng 'The Boobay and Tekla Show' sa TV?

By Cherry Sun
Published January 11, 2019 10:37 AM PHT
Updated January 11, 2019 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 3) Insidente ng ligaw na bala; New Year babies; performances sa Kapuso Countdown to 2026, atbp.
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



May binitiwang pangako ang fun-tastic duo na sina Boobay at Tekla tungkol sa 'The Boobay and Tekla Show' sa TV.

Malapit nang mapanood sa telebisyon ang The Boobay and Tekla Show (TBATS). Ano kaya ang dapat abangan sa crossover ng Kapuso digital comedy show to national TV?

Boobay and Tekla
Boobay and Tekla

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, may binitiwang pangako ang fun-tastic duo tungkol sa The Boobay and Tekla (TBATS) TV.

EXCLUSIVE: 'The Boobay and Tekla Show,' unang digital show na magko-cross over to TV

Ani Tekla, tuloy pa rin ang paghahatid nila ng laugh trip.

“Saya, ngiti at good vibes. Basta every time wala kaming gagawin kundi pampa-good vibes lang. Kasi ang dami nating problema ngayon so kailangan natin tumawa,” sambit niya.

Wika naman ni Boobay ay maraming dapat abangan ngayong malapit na silang mapanood sa telebisyon.

“Ibang iba ang inyong makikita. Madaming bago kayong masasaksihan, mapapanood. 'Ay nakita ko na 'yan,' walang ganun na makikita niyo, walang ganun na mangyayari. At the same time, mag-e-enjoy talaga sila tapos mararamdaman nila na they are one with us. Kumbaga, kasama sila. Hindi kami 'yung bida, kundi 'yung audience, ang Kapuso natin ang magiging bida,” saad niya.