What's on TV

EXCLUSIVE: Boobay at Tekla, enjoy ma-interview ang mga tao sa kalsada

Published March 21, 2019 3:00 PM PHT
Updated March 28, 2019 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cambodian parliament passes landmark cybercrime law after scam center scrutiny
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado ang fun-tastic duo na enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawang segments lalo na ang Man-on-the-Streets interview. Read more.

Level up na entertainment ang hatid nina Boobay at Tekla sa The Boobay and Tekla Show. At kahit sila ang pasimuno ng laugh trip at good vibes, aminado ang fun-tastic duo na enjoy na enjoy rin sila sa kanilang ginagawang segments lalo na ang Man-on-the-Streets interview.

Boobay at Tekla
Boobay at Tekla

Kada linggo, lumalabas sina Boobay at Tekla ng studio para makisalamuha at mang-interview ng mga tao sa kalsada tungkol sa kung anu-anong kalokohan. Paliwanag nilang dalawa sa exclusive interview ng GMANetwork.com, isa ito sa paborito nilang segment.

Sambit ni Tekla, “Mas gusto kong mag-identify with them kasi in my real life, talagang nagta-tricycle ako, nagdyi-dyip then I like to walk kung malapit lang 'yung area na pupuntahan.

“Sobrang amazed kami doon sa mga unexpected na isasagot nila sa tanong namin. Merong iba na sobrang nakakatawa kasi hindi mo akalain na lalabas or masasabi nila 'yun,” patuloy niya.

Sang-ayon naman dito si Boobay na naalala raw ang panahong wala pa siya sa showbiz.

Aniya, “Naaalala namin 'yung naramdaman namin dati noong hindi pa kami nakakapasok sa ganitong trabaho, 'yung kami pa lang 'yung nanonood. Kasi naramdaman namin at na-experience kung paano maging audience so alam namin 'yung pakiramdan na 'Paano kaya kung ma-meet namin sila?' Tapos ngayon kami na 'yung gumagawa. Kaya as much as possible, magandang opportunity na lumapit mismo sa ating mga manonood.

“Ang pinakamaganda talaga doon nakakapag-reach out kami sa ating mga kapwa Pinoy. Alam nila na we are with them, parang family kami. At the same time, napaparamdam namin na wala kaming distance sa kanila. Kami mismo 'yung lumalapit,” bigay-diin niya.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!