What's on TV

EXCLUSIVE: Boobay at Tekla, hindi makapaniwala sa success ng 'The Boobay and Tekla Show'

By Cherry Sun
Published December 6, 2018 3:51 PM PHT
Updated December 6, 2018 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Masaya ang fun-tastic duo na sina Boobay at Tekla na ang kanilang hatid na good vibes ay sagot sa homesickness ng mga Kapuso abroad. Read more.

Hindi makapaniwala sina Boobay at Tekla sa success ng kanilang digital comedy program na The Boobay and Tekla Show o TBATS. Pero, ang tiyak ng fun-tastic duo, malaking bahagi nito ay ang pagtangkilik ng mga Kapuso abroad.

The Boobay and Tekla Show
The Boobay and Tekla Show

Malapit na mag-isang taon simula nang unang mapanood sa GMANetwork.com ang TBATS. At lumipas man ang buwan, walang kasawa-sawang sumusubaybay sa kanilang dalang laugh trip ang mga Kapuso.

Ani Boobay, “Super grateful na iba 'yung pagtanggap ng ating mga manonood. Dati naman parang tina-try lang pero sa dami ng mga nagko-comment especially 'yung ating mga Kapusong OFW na talaga namang alam natin na pag nagmemensahe sila, nagbibigay ng message sa amin, napapasaya daw namin sila. Kumbaga parang 'yung trabaho nila doon sa ibang bansa, 'yun 'yung way nila para makapag-enjoy, 'yung mapanood kami ni Tekla. So maraming, maraming salamat talaga sa pagkakataon na mabigyan ng online show.”

“Syempre nakakatuwa, syempre nakaka-flatter na sa ganung format namin eh marami kaming naaliw, napasayang tao. Kumbaga, nilabas lang namin 'yung craft namin sa online and then nagulat nalang kami na ganun 'yung response ng mga audience or nung mga viewers, nga mga nanonood sa online ng TBATS,” pagsang-ayon naman ni Tekla.

Masaya ang fun-tastic duo na ang kanilang patok na patok na hatid na good vibes ay sagot sa homesickness ng mga Kapuso abroad.

Wika ni Boobay, “May isa kaming segment na pwede silang sumulat, pwede silang bumati, at the same time humingi ng advice sa amin. At kami naman, nagbibigay kami ng advice pero sa paraang nakakatawa. Feeling ko ganun naman 'yung Pinoy, 'diba ugali ng Pinoy. Usually tayo-tayo mismo, kahit sa bahay-bahay natin pag may humingi ng advice sa atin, minsan 'yung gusto natin 'yung mga nakakatawa, ganyan. So 'yun 'yung parang nakakapag-pacify naman ng kanilang boredom na nararamdaman nila.”

Dagdag din ni Tekla, “Nasa kamay na nila 'yung phone, like anytime, 'pag breaktime nila, pwede pag-scroll nilang ganun, paglabas sa screen, nandoon na kaagad. Napaka-convenient, that's why siguro kung bakit ang daming response 'yung online ng TBATS.”