Celebrity Life

EXCLUSIVE: 'Bubble Gang' stars, nagpaabot ng pagbati kay Lovely Abella sa kanyang engagement

By Aedrianne Acar
Published June 18, 2019 11:49 AM PHT
Updated June 18, 2019 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Saksi ang cast ng 'Bubble Gang' sa love story nina Lovely Abella at Benj Manalo, kaya naman masayang-masaya ang mga ito sa engagement ng dalawa.

Isang payo ang ibinigay ng Kapuso comedy genius Michael V. para sa co-star niya sa Bubble Gang na si Lovely Abella matapos ang sweet engagement nito sa kanyang boyfriend na si Benj Manalo.

Lovely Abella and Benj Manalo
Lovely Abella and Benj Manalo

“Stay as lovely as you are and 'yung loyalty should always be there. Pagka hindi ka gumawa ng mali, puro tama ang mangyayari.” sabi ni Bitoy sa exclusive interview ng GMANetwork.com nang bumisita kami sa taping ng Kapuso gag show last Monday, June 17.

READ: Lovely Abella is engaged to Benj Manalo

2015 to forever. Basically how we do everyday. Fav person @lovelyabella_ 🔥💯❤️

Isang post na ibinahagi ni Benj Manalo (@benj) noong

Hindi naman nagulat ang good friend ng dancer-turned actress na si Chariz Solomon na nauwi sa kasalan sina Lovely at Benj.

Ani Chariz, “Alam namin na this is going to happen na anytime soon talaga, ine-expect na namin siya kasi kahit wala pang sinasabi si Benj sa amin noon alam na namin na doon din naman 'yung bagsak nilang dalawa.

“And kami sobrang happy kami kasi they belong together,”

Dagdag din ng Bubble Gang babe na si Analyn Barro na matagal na niyang nakikita ang Ate Lovely niya na magse-settle down soon.

Wika niya, “Stay in love and stay strong. At happy ako for her kasi after I think eight years ata sila tapos nangyari na magpapakasal na ganyan, kasi nakikita ko rin kay Ate Love na she wanted also to settle down na.”

May nakakatuwang kuwento naman si Betong Sumaya patungkol sa engagement ni Lovely Abella. Kuwento niya sa GMANetwork.com, muntik na hindi raw matuloy ang surprise proposal.

Ayon kay Betong, kasama niya si Lovely, pero natrapik silang dalawa papunta sa lugar kung saan gagawin ni Benj Manalo ang proposal.

Naniniwala din ang magaling na comedian na pangarap ni Lovely na makasal sa kanyang man of her dreams.

“Sa dami na rin niyang nasaksihang proposal so parang alam ko, kahit hindi niya sinasabi siyempre 'yun ang hinihintay ng bawat babae di ba, na makasal. And they live happily every after.”