
Suportado nina Kapuso stars Carla Abellana, Ryan Agoncillo at Rodjun Cruz si Miguel Tanfelix bilang manliligaw ni Bianca Umali ngayong nasa edad na ang dalaga.
Kaka-18 lang ni Bianca nitong Marso at sa debut party niya noong Sabado (March 17) ay opisyal na humingi ng permiso si Miguel sa Lola Vicky ni BIanca kung pwede nang ligawan ang kanyang apo.
Full support si Carla sa dalawa, “Ay, oo naman! Bilang ate, boto ako, definitely. I’m just glad na sila ‘yung type na parang very innocent, very humble, masayahin, talented couple. Mabait sila pareho, so talagang meant for each other, parang swak na swak sila sa isa’t isa.”
Huwag raw nilang kalimutan ang kanilang mga pamilya, karera at pag-aaral, “Work hard, but don’t forget your own health and well-being. I-prioritize pa rin ‘yung family, hangga’t maari, studies if ever they have more plans sa education tapos keep up the good work.”
Sa Ismol Family rin nakilala ni Eat Bulaga Dabarkad Ryan Agoncillo ang young Kapuso stars, “They were an item sa show. Sila ‘yung pang- love team na millennial. [I] worked with them since they were 14 [or] 15 years old.”
“My lips are sealed,” ang tugon ng TV host kung may ibubuking ba siya tungkol sa dalawa. Pwede na rin daw silang mag-love life, “Tanda na sila. Alam na nila iyan! (laughs) They’re good kids.”
Buong tropa naman ni Rodjun sa kanilang kinabibilangang gym ay boto kay Miguel, “Lahat kami [ay] boto kay Miguel. Katulad ni Bianca, nakasama ko si Miguel sa Sunday All Stars at saka sa ibang shows ng GMA at sa gym, mas nakikilala ko siya.”
Nasa young actor raw ang mga katangian ng isang mabuting lalaki na marunong mag-alaga ng babae, “Mahirap kasi makahanap ngayon ng lalaki na talagang rumerespeto sa magulang at inaalagaan ang nanay niya at ganun si Miguel sa family niya. Nakita ko rin naman na ‘yung love na binibigay niya kay Bianca.”
Payo ni Rodjun bilang manliligaw, “Siyempre ‘pag gusto mo talaga ‘yung babae, paghihirapan mo talaga iyon at maghihintay ka hanggang sa dulo.”