
Masaya si Chariz dahil nabibigyan ng break si Jak upang ipakita ang kanyang talent sa pag-arte.
Puring-puri ng Bubble Gang comedienne na si Chariz Solomon ang kababol nilang si Kapuso hottie Jak Roberto.
MUST-SEE: 'Bubble Gang' girls belt out song especially dedicated to showbiz hottie Jak Roberto
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Chariz, isa daw si Jak sa naging super ka-close niya sa gag show. Kuwento pa ng celebrity mom na sobrang bait at maginoo ng guwapong binata.
Aniya, “Si Jak ka-close din talaga namin, napapansin niyo lagi ‘yung dressing room namin may nakasulat diyan “’Knock If You’re Not JaK’” so may song na kami para diyan. So si Jak, kasi sobrang bait lang din talagang bata.”
“Sobrang gentleman minsan lalapitan ka bigla kang ima-massage, aalalayaan ka bigla sa hagdan.”
Hindi rin nagulat ang magaling na comedienne na very visible ang co-star niya sa mga shows ng Kapuso Network. Bukod sa Bubble Gang napapanood din siya sa Dear Uge at naggi-guest madalas sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.
Saad ni Chariz, “I am happy for him, he deserves it. Kasi sobrang bait niya and sobrang hardworking. Pinapakita niya na kaya niyang magpakita ng talent over his abs.”
More on BUBBLE GANG:
WATCH: Paano magluto ng tortang talong si Kim Domingo?
#Throwback: 20 Bubble Gang comediennes we terribly miss
'WATCH: #TrainToBusan spoof video, bakit nag-viral sa Facebook?