Article Inside Page
Showbiz News
Mapapanood ang bagong recipes ng 'Idol sa Kusina' simula ngayong Linggo, August 16, sa GMA Network!
Bibisita sina Chef Boy Logro at Chynna Ortaleza sa GMA Network para sa fresh episodes ng Idol sa Kusina.
Simula ngayong August 16, mapapanood ang mga bagong recipes ng Idol sa Kusina sa GMA.
Excited na ibinahagi ni Chef Boy ang mga dapat abangan sa fresh episodes na ito.
"'Yung aming guest ay si Vaness del Moral. Ang ating mga recipes na gagawin ko po sa fresh episodes ng
Idol sa Kusina ay fruit marinated dishes."
Nagpapasalamat si Chef Boy sa mga patuloy na nag-aabang ng
bagong recipes ng kanilang programa.
Saad ng celebrity chef, "Sa mga Kapuso na tumatangkilik ng
Idol sa Kusina sa pagbabalik namin dito sa GMA, ako po ay nagpapasalamat."
Dagdag pa niya ang pangakong patuloy siyang maghahanda ng masasarap na recipes para sa mga manonood. "Excited din po ako kasi I will do my best. Gagawa pa ako ng
kakaibang mga twist na gusto ninyong matutunan at gusto ninyong malaman kung paano ninyo yun gagawin. Kaya excited po ako."
Abangan ang
Idol sa Kusina sa GMA Network tuwing Linggo para sa limited airing simula ngayong August 16 at 10:05 a.m. Samantala, mapapanood pa rin ang replay episodes ng
Idol sa Kusina tuwing Linggo 7:50 p.m. sa GMA News TV.
Chynna Ortaleza shares message for 'Idol sa Kusina' on their 9th anniversary
Chef Boy Logro, may healthy recipes para maging malusog ang pangangatawan