GMA Logo Chef Boy Logro
Celebrity Life

EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, may simpleng handa para sa kanyang kaarawan

By Maine Aquino
Published June 29, 2020 2:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Chef Boy Logro


Sa espesyal na araw ni Chef Boy Logro, ano kaya ang ihahanda ng nag-iisang 'Idol sa Kusina?'

Simple pero espesyal pa rin ang pag-celebrate ng kaarawan ng Idol sa Kusina na si Chef Boy Logro.

Ngayong June 29, magsasalo-salo umano si Chef Boy at ang kanyang pamilya sa isang simpleng handaan. Nasa Davao De Oro ang celebrity chef nang ipinadala niya ang mensahe sa GMANetwork.com.

EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, nananatiling maingat sa gitna ng COVID-19 crisis

Kuwento ni Chef Boy, ang mga sangkap sa kanyang handa ay magmumula mismo sa kanyang farm.

"Dahil may COVID-19 ang ihahanda kong pagsasaluhan namin ay iluluto kong tinolang manok na native na galing sa farm ko. Meron ring buko salad, inihaw na tilapia na galing sa fish cage ko. Simpleng simple lang."

Isa ring pagbati ang ipinost ng anak ni Chef Boy na si Matet.




"Happy Happy Birthday to our Tatay, mamat's Daddylo. We love you so much and Nanay. Seeyou soon! Ingat palagi dyan. -Mamat, Matet & Macky @chefboylogro7"

Happy birthday, Chef Boy!

IN PHOTOS: Ang mga naipundar ni Chef Boy Logro