What's on TV

EXCLUSIVE: Christopher De Leon, nagpasalamat sa concern ng 'Kambal, Karibal' production

By Jansen Ramos
Published March 20, 2018 5:13 PM PHT
Updated March 20, 2018 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Arra San Agustin, naniniwala na ‘insecure’ ang mga nagtataksil sa relasyon
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Silipin ang naging pasasalamat ni Christopher De Leon sa production ng 'Kambal, Karibal.'

 

 

Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang primetime series na Kambal, Karibal?????. Marami kasi ang nagugulat sa kakaibang twists na nagaganap sa kuwento at sa tagisan ng galing sa pag-arte ng mga artista nito.

Ngayong linggo, magaganap na ang pinakamalalaking eksena sa serye. Bukod sa tapatan nina Crisan at Crisel, kaabang-abang din ang tapatan nina Raymond at Emmanuel na ginagampanan ni Marvin Agustin at beteranong aktor na si Christopher De Leon.

Naging kontrobersiyal pa ito dahil naaksidente si Christopher habang kinukuhanan ang isang eksena para sa show. Sa ospital kinailangang alisin ang isang maliit na metal sa kanyang kaliwang hita. Sa kasalukuyan, nasa maayos na kalagayan na ang beteranong aktor at nagpapagaling.

Nilinaw ni GMA Entertainment Content Group Vice President for Drama na si Redgie A. Magno, may constant communication sa pagitan ng aktor at ng produksyon.

Saad niya, “There was constant communication between Boyet and the production. The Executive Producer was always checking on his condition.”

Dagdag pa ng GMA Executive, “Insured lahat ng production staff, crew at mga artista dito sa GMA. Kahit ‘yung maliliit na tao, hindi pinapabayaan ng produksyon. Standard ‘yun.”

Ika ni Magno, “Si Boyet, nagtext pa saying that he is happy with the good ratings of Kambal Karibal and he is also thankful sa concern ng production sa kalagayan niya. Okay ang communication nila.”

Bukod sa mataas na ratings, lagi din trending ang show online dahil sa mga nakakapanindig-balahibo nitong mga tagpo. 

Mas titindi pa ang mga matutunghayan sa mga susunod na episode ng Kambal, Karibal kaya huwag itong palampasin gabi-gabi, pagkatapos ng Sherlock Jr. sa GMA Telebabad.