What's Hot

EXCLUSIVE: Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, naglagay ng personal touch sa kanilang prenup video

By Maine Aquino
Published October 20, 2017 7:08 PM PHT
Updated October 20, 2017 7:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong October 20 ay ilalabas nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano ang kanilang prenup video.

Sa pinakaabangang prenup video nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza maipapakita na hindi lamang ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa kung 'di pati na rin ang kanilang passion sa music at art.

Kuwento ni Kean sa exclusive interview with GMANetwork.com, "Ilang beses kaming nag-meeting kasi nga isang beses lang naman magagawa itong prenup eh."

Ang kanilang prenup pictures umano ay ipinakita lamang ang ilang bahagi ng mga dapat abangan sa prenup video. 

Ani Chynna, "The overall concept of the prenup will be revealed when you see the video kasi now you're just seeing snippets of what we did."

 

In love with your mind including all your short circuits! ? #TheCips #tildeathwedoart @niceprintphoto

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza) on

 

EXCLUSIVE: Chynna Ortaleza and Kean Cipriano reveal the theme of their upcoming wedding

Dahil malaking parte ang musika sa buhay nina Kean at Chynna, gumamit sila ng kanta na sila mismo ang sumulat.

"Good thing about it, kasi 'di ba usually 'yung prenup videos they use this whatever song they like? 'Yung sa amin kasi 'yung gagamitin namin na song sa prenup video namin is a song we wrote together," Saad ni Kean. 

 

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza) on

 

Ngayong October 20 ay ilalabas nila ang kanilang prenup video. Ayon kay Chynna, "We're excited to share that with you."