What's Hot

EXCLUSIVE: Clasher Anthony Rosaldo, plano rin pasukin ang pag-arte pagkatapos ng 'The Clash'

By Gia Allana Soriano
Published September 28, 2018 10:05 AM PHT
Updated September 28, 2018 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Anthony Rosaldo, naniniwalang ang pagiging total performer niya ang lamang sa co-Clashers niya sa The Clash.

Kung may pagkakataon, plano rind aw ni Anthony Rosaldo na mag-transition sa pag-arte pagkatapos ng The Clash.

"'Yun, gusto ko rin gawin 'yun. Bilang nabigyan na ng chance na mapansin this time,” sabi ng Heartthrob ng Valenzuela City na si Anthony sa exclusive interview ng GMAnetwork.com.

A post shared by Anthony Rosaldo (@theanthonyrosaldo) on

Ano naman kaya ang edge ni Anthony sa kanyang co-Clashers?

Sagot niya, "Ano kasi ako, eh. Sing and dance. Total performer ako, eh.

“'Tsaka 'yan nga, sabi ko nga, hindi ko ni-li-limit 'yung sarili ko sa isang genre. So, [ang edge ko is] 'yung versatility ko siguro."

A post shared by Anthony Rosaldo (@theanthonyrosaldo) on


Ikinuwento rin niya kung ano ang dapat abangan sa kanyang performance this weekend.

Aniya, "I see to it na meron akong bagong flavor [this week,] pasabog. Since patapos na ang The Clash, may bago [sa performance ko,] mas fierce."

Makakasama kaya si Anthony sa final five Clashers? Abangan ngayong Sabado sa The Clash!