What's Hot

EXCLUSIVE: Co-hosts ni Willie Revillame, ibinahagi ang kanilang best memories sa 'Wowowin'

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 1:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Pag-aming ng mga co-hosts ng show, parang isang pamilya ang turingan nila sa isa't isa.


Higit sa pagiging co-hosts at magkakatrabaho ang turingan ng mga kasama ni Willie Revillame sa kanyang programa. Sa Wowowin kasi ay tila isa silang pamilya.

Sa esklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi nina Donita Nose, Yvette Corral at Kimchi ang mga naranasan nila sa programa na masasabi nilang pinakatumatak sa kanila.

Best moment para sa singer-comedienne na si Donita Nose ang kanyang pagpasok sa Wowowin.

READ: Donita Nose, ramdam ang respeto sa kanya ni Willie Revillame

Panimula niya, “Noong inamin niya na ano… na gusto niya ako kuning host.”

“’Yung [showdown] kay Jonalyn (Viray), parang ‘yun ‘yung stepping stone eh para kunin niya ako.  Grabe, wala akong tulog nun pero binigay ko ang lahat. Sabi ko nga, siguro talagang si Lord na rin ang naggabay sa akin nung time na ‘yun kaya nagawa ko ng maayos ‘yun,” patuloy niyang kuwento.  

Nagkasundo naman ang magka-tandem na sina Yvette at Kimchi na ang mga bonding moments nila na umaabot pagkatapos ng trabaho ang kanilang paborito.

Bahagi ni Yvette, “[‘Yung] Boracay with Wowowin family. Kilala na namin ‘yung isa’t isa pero doon nami nakakatabi ‘yung mga natutulog. 'Ganito pala itsura nito pag natutulog, tapos ganito pala ‘to kumain. Ganito pala sila kasama.' Para kaming nasa iisang bahay.”

READ: Wowowin co-host Yvette Corral, dating contestant sa programa ni Willie Revillame

“At saka after show, hindi kami tulad ng iba na uuwi agad. Meron kaming ina-allot na oras na one hour or two hours na magsasama-sama, kukuwentuhan kami ni Kuya tungkol sa kung ano siya dati. Mga ganun,” dagdag ni Yvette.

Sang-ayon si Kimchi na lalong tumibay ang kanilang pagsasamahan dahil sa pakikitungo nila sa isa’t isa kahit tapos na ang trabaho.

READ: Kimchi, tila nagwagi na rin sa beauty contest sa pagiging host sa 'Wowowin' 

Aniya, “Siguro, walang show tulad nito na usually naman kasi after taping, tapos na. Parang may bonding pero hindi ganun kalalim. Dito kasi I live alone here in Manila so parang I found a family here in Wowowin. Na parang alam ko whatever happens, they will stick by my side and they’re always here for me.”

MORE ON 'WOWOWIN':

READ: Ariella Arida, napatunayan ang kanyang first impression tungkol kay Willie Revillame?

MUST READ: Willie Revillame, itinangging naniningil ng bayad sa studio audience