
Naging emosyonal ang StarStruck Avenger at cast ng The Lost Recipe na si Crystal Paras sa isang eksena niya sa taping.
Inamin ni Crystal na sa eksenang kanilang kinunan ay bumalik sa kanyang alaala ang kanyang pinagdaanan nitong lockdown. Ang aktres ay mapapanood bilang si Chef Nori sa fantasy-romance series ng GMA Public Affairs.
Photo source: @crystalparas
Saad ni Crystal, "Ito 'yung eksena na nag-iinuman kami tapos bill out na pero wala kaming mga pera at unemployed na kaming mga chef.
"Nadala lang ako until after shooting the sequence kasi nag-flashback 'yung stages ng lockdown kaya naiyak ako ulit. Na-remind lang din ako how blessed I am to have work tapos mainstay pa dito sa TLR (The Lost Recipe)."
Sa kanyang ipinadalang mensahe sa GMANetwork.com ay masaya umano siya dahil kahit bago lang niyang nakasama ang cast at production ng The Lost Recipe ay magkakasundo na sila agad.
"I'm also really happy na magkakasundo kami ng co-actors ko. First time ko sila lahat makatrabaho on set kaya for sure, unforgettable ito for me. My first regular serye ever!"
Dugtong pa ni Crystal, "Masayang masaya ako sa taping experience ko with the TLR cast and prod. Sobrang nakakapagod pero nakakalimutan ko lahat 'yun kasi good vibes lang mga tao. Nakaka-inspire magtrabaho 'pag nakikita kong kumakayod talaga lahat."
Inilahad naman ni Crystal ang paghanga niya sa kanyang co-actors sa The Lost Recipe tulad ng lead stars nitong sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.
"They're such professionals, it's a breeze to work with them, just like everyone else in the cast."
Saad pa ni Crystal, natututo siya lagi sa kanilang mga eksena sa lock-in taping.
"Meron akong natututunan every time I watch the chefs, Mikee, and Kelvin on set. Mapagbigay silang mga aktor kaya nakakabilib sila kasama at katrabaho."
Abangan si Crystal sa kanyang pagganap bilang Chef Nori sa The Lost Recipe.
Balikan ang ginawang kitchen training nina Crystal at iba pang cast ng The Lost Recipe sa gallery na ito: