What's on TV

EXCLUSIVE: DerBea, sa sobrang close, memorize na nila ang isa't isa

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 5:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang tambalang DerBea sa 'Tsuperhero,' simula ngayong Linggo (November 13).


Ilang tulog na lang mapapanood n’yo na sa November 13 ang pinakabagong Pinoy superhero adventure/comedy series na Tsuperhero, kung saan pagbibidahan ng Kapuso loveteam na sina Bea Binene at Derrick Monasterio. 

Tsuperhero: Meet Eva of 'Tsuperhero'

Sa exclusive sit-down interview ni Bea Binene sa GMANetwork.com, masaya ang Kapuso actress na napabilang siya sa Tsuperhero at welcome break ito sa mga ginagawa niyang heavy drama na soap, katulad na lamang ng Hanggang Makita Kang Muli.

Paliwanag ni Bea, “Sa akin okay lang naman parang kumbaga ice breaker din siya  eh di ba. ‘Yun nga masaya ‘yung mga ganitong klaseng trabaho kasi magaan, hindi mo mafi-feel na nagta-trabaho ka.” 

Natanong din ng GMANetwork.com si Bea kung papaano ba nila hinahandle ng kaniyang kapareha na si Derrick, kung may pagkakataon na nagkakatampuhan silang dalawa?

Aniya, “Eh kasi kami memorize na namin ang isa’t-isa, so parang minsan nga hindi kami nagpapansinan niyan, tapos bigla na lang sa set lang kami mag-uusap ‘yung mga ganun. Pero normal na kasi magkaibigan kami, so walang nagda-damdam.”

Exciting ang bagong sitcom na ito na mapapanood sa darating na Linggo ng gabi, November 13 at dahil sa superhero adventure ang kuwento nito, asahan ang mga matitinding powers ng bida na si Tsuperhero.

Ano naman kaya klaseng powers ang gusto makuha ni Bea Binene kung pagkakalooban siya nito?  

“Teleportation, traffic eh para diretso na dun sa [location] para hindi na male-late, hindi na mata-traffic ganun.” 

More on TSUPERHERO:  

'Barbie Forteza's heartfelt birthday greeting for 'Tsuperhero' star Bea Binene

EXCLUSIVE: Gabby Concepcion reveals the biggest challenge in doing 'Tsuperhero'

EXCLUSIVE: Alma Moreno believes that Derrick Monasterio is more than just a pretty face