
Hindi akalain ni Dianne Medina na may malaking pasabog ang kanyang longtime boyfriend na si Rodjun Cruz makalipas ang sampung taon matapos mag-propose ang Kapuso star sa kanya noong nagdiwang ang aktor ng kanyang ika-30 na kaarawan sa Boracay.
EXCLUSIVE: Rodjun Cruz, ibinahagi kung paano siya naghanda sa kanyang proposal kay Dianne Medina
“I wasn’t really expecting it kasi I was expecting next year pa sana,” paunang kuwento ng actress-TV host sa eksklusibong phone interview ng GMANetwork.com.
“Ang press release ni Rodjun is 30th birthday in Boracay. Usually, [si] Rodjun kasi, ‘pag birthday niya [at] lalo na 30 [years old] pa, nagse-celebrate iyan talaga. Hindi ko nahalata [at] hindi ko napansin kasi lahat ng family pumunta. Kung hindi niya itinapat sa birthday niya [at] ibang event, malalaman ko kaagad kasi kilala niya ako, magaling akong makaramdam,” dagdag ni soon-to-be Mrs. Cruz.
Si Dianne raw ang inatasang mag-organize ng surprise birthday party para kay Rodjun pero siya raw mismo ang na-surprise. Saad niya, “All this time, lahat ng mga surprise na ginagawa namin, para pala sa akin iyon. Hindi ko talaga na-detect na proposal na pala.”
Dagdag pa niya, worth it umano ang kanilang journey bilang mag-boyfriend-girlfriend sa loob ng isang dekada. “Alam kong may direksyon na rin and iba na rin ang level ng relationship [namin]. Happy ako and excited at the same time,” pagtatapos ni Dianne.