What's Hot

EXCLUSIVE: Dianne Medina, inakalang next year pa magpo-propose si Rodjun Cruz

By Bea Rodriguez
Published October 12, 2017 7:17 PM PHT
Updated October 12, 2017 7:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One Western Visayas: June 24, 2026 [HD]
Coach Chot Reyes, sinabing matagal nang ginagawa ang beach training; nanawagang itigil ang espekulasyon
Tablea chocolate, sago't gulaman-inspired cocktails for the rainy season

Article Inside Page


Showbiz News



Si Dianne Medina raw ang nasorpresa sa inihanda niyang surprise birthday party para kay Rodjun Cruz.
 

A post shared by Dianne Medina (@dianne_medina) on

 

Hindi akalain ni Dianne Medina na may malaking pasabog ang kanyang longtime boyfriend na si Rodjun Cruz makalipas ang sampung taon matapos mag-propose ang Kapuso star sa kanya noong nagdiwang ang aktor ng kanyang ika-30 na kaarawan sa Boracay.

EXCLUSIVE: Rodjun Cruz, ibinahagi kung paano siya naghanda sa kanyang proposal kay Dianne Medina

“I wasn’t really expecting it kasi I was expecting next year pa sana,” paunang kuwento ng actress-TV host sa eksklusibong phone interview ng GMANetwork.com.

“Ang press release ni Rodjun is 30th birthday in Boracay. Usually, [si] Rodjun kasi, ‘pag birthday niya [at] lalo na 30 [years old] pa, nagse-celebrate iyan talaga. Hindi ko nahalata [at] hindi ko napansin kasi lahat ng family pumunta. Kung hindi niya itinapat sa birthday niya [at] ibang event, malalaman ko kaagad kasi kilala niya ako, magaling akong makaramdam,” dagdag ni soon-to-be Mrs. Cruz.

Si Dianne raw ang inatasang mag-organize ng surprise birthday party para kay Rodjun pero siya raw mismo ang na-surprise. Saad niya, “All this time, lahat ng mga surprise na ginagawa namin, para pala sa akin iyon. Hindi ko talaga na-detect na proposal na pala.”

Dagdag pa niya, worth it umano ang kanilang journey bilang mag-boyfriend-girlfriend sa loob ng isang dekada. “Alam kong may direksyon na rin and iba na rin ang level ng relationship [namin]. Happy ako and excited at the same time,” pagtatapos ni Dianne.