GMA Logo Dingdong Dantes
What's Hot

EXCLUSIVE: Dingdong Dantes, inihayag ang mga pag-iingat na gagawin sa panahon ng 'new normal'

By Jansen Ramos
Published June 11, 2020 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG monitors nearly 125k passengers in ports on Maundy Thursday
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


"Hindi siya magiging madali katulad naman lahat ng industriyang nakabalik ngayong new normal, but we all have to adjust..." sambit ni Dingdong Dantes sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

Bilang isang padre de familia, hindi mawawala ang takot ni Dingdong Dantes para sa kanyang asawa, mga anak, at mahal sa buhay ngayong COVID-19 crisis lalo na at unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat, kabilang riyan ang pagbabalik-trabaho.

Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kamakailan, tinanong namin ang Kapuso Primetime King kung ano-ano ang mga pag-iingat na kanyang gagawin kung sakaling magbalik-taping na rin ang kanyang mga programang naapektuhan ng pandemya tulad ng Descendants of the Sun at Amazing Earth.

Sagot ni Dingdong, "Hindi siya magiging madali katulad naman lahat ng industriyang nakabalik ngayong new normal, but we all have to adjust and, siyempre, kapag lahat nakikipag-cooperate, magagawa naman 'yung mga tungkulin n'yo.

"Siyempre, hindi nga lang gaya ng dati, ngayon with extra caution and pag-iingat, 'di ba?"

Dugtong pa niya, "Kailangan, siyempre, 'wag ding kakalimutan 'yung professionalism, 'di ba, above all."

Kaakibat ng pagiging artista ang pagkakaroon ng mga tagahanga. Hindi na bago kay Dingdong ang pagpapa-picture kasama ang fans at pagbibigay ng autograph.

Kaya naman ngayong importante ang social distancing, naniniwala siya na makikipag-cooperate ang kanyang fans para na rin sa kanilang proteksyon.

Bahagi ni Dingdong, "For sure, alam naman nila 'yung social distancing and lahat naman tayo responsibilidad natin ang isa't isa lalong-lalo na 'yung sarili natin.

"So naniniwala ako na lahat ng tao ay aware na sa ganitong klaseng 'new normal' na kailangan nating i-implement sa ating behavior."