What's Hot

EXCLUSIVE: Dion Ignacio, nahihirapan bang mag-adjust sa kanyang younger co-stars sa 'Magkaibang Mundo?'

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Nasa 20 years old lang daw ang edad ng character ni Dion sa naturang soap. Paano siya nag-adjust para dito?


Kasama sa Afternoon Prime series na Magkaibang Mundo ang StarStruck alumnus na si Dion Ignacio. Gumaganap siya bilang si Jeffrey, isang mayamang CEO na magkakagusto kay Princess, na ginagampanan naman ni Louise delos Reyes.

LOOK: 'Magkaibang Mundo' cast faces the press

Aware naman si Dion na mas bata ang mga co-stars niya kaysa kanya, kabilang na sina Juancho Trivino at Isabelle de Leon, pero hindi raw ito issue sa aktor.

"Feeling ko bumabata ako (laughs). Naisip ko, parang matanda na ako [for the role] pero hindi naman pala. Sakto lang, tiningnan ko sa script. Parang dapat nga na hindi talaga bata," pahayag niya sa isang exclusive interview with GMANetwork.com.

READ: EXCLUSIVE: Dion Ignacio says confidence is key in playing kontrabida roles

Nasa 20 years old lang daw ang edad ng kanyang character. Paano siya nag-adjust para dito?

"Nag-ahit ako. Kay Nicandro 'di ba, may bigote. Dito dapat malinis ako. Pero the way ako magsalita, parang ganun pa rin. Hindi ko na ginagawang childish 'yung boses ko."

First time din niyang makatrabaho sina Louise, Juancho at Isabelle, at bilib siya sa professionalism nila.

"Mabait po, at saka magagaling din. Professional, may puso sa trabaho. Mahuhusay, at hindi ako nahihirapang kaeksena sila."

MORE ON 'MAGKAIBANG MUNDO':

Sino ang pinakamatagal na on-screen kiss ni Louise delos Reyes?

What convinced Gina Alajar to star in 'Magkaibang Mundo?'