
Masayang-masaya ang Kapuso actor na si Dion Ignacio sa kaniyang upcoming show na Hiram Na Anak dahil bukod sa panibagong project ay makakasama niya rito ang dating ka-love team na si Yasmien Kurdi.
Aniya, "Sobrang close na namin ni Yasmien, kahit 'di na mag-workshop, komportable na kami sa isa't-isa. 'Yun 'yung maganda kasi andali magtrabaho."
Alam n'yo ba na dating niligawan ni Dion si Yasmien?
Yasmien Kurdi reveals her husband gets 'slightly' jealous of her leading man Dion Ignacio
Sa Hiram Na Anak, bibida si Dion bilang si Adrian, ang family-oriented at mabait na asawa ni Miren (Yasmien Kurdi).
Kahit matagal na siya sa industriya aminado si Dion na isa ito sa mga pinaka-challenging niyang roles.
"Hirap [akong] magalit, challenging sa 'kin 'tong role. 'Pag walang taping, nag-aaral ako ng script ko. Hindi ko kasi kaya nang on-the-spot. Kailangan magbasa muna ako sa bahay para ready ako pagdating sa taping," wika niya.
Malaki rin ang pasasalamat ng aktor sa tiwala ng kaniyang home network.
Ayon kay Dion, "Thankful ako dahil binigay sa 'kin ng GMA ito at parang pinagkakatiwalaan ako na ibigay 'tong character na 'to sa'kin. So pinagbubutihan ko."
Abangan ang baliktambalan nina Yasmien at Dion sa Hiram Na Anak, this February 25 na, bago mag-Eat Bulaga