
Lubos ang pasasalamat ni Kapuso actress Divine Aucina kay Eugene Domingo sa patuloy na pagturo sa kaniya tungkol sa industriya lalo na tuwing nagte-taping sila ng Dear Uge.
Sa naganap na photo shoot ng show noong May 3, nakakuha ng eksklusibong interview ang GMANetwork.com kay Divine kung saan naibinahagi nito ang kaniyang mga natutunan sa comedy actress.
“Si Ate Uge [Eugene Domingo], napaka-generous niyang teacher at tao. Every taping day namin ay isang opportunity to learn,” aniya.
“Ultimo unang photo shoot namin tinuruan niya ko na ipikit muna 'yung mata tapos bago mag-click 'yung camera tapos bubuksan ang mata.
“As simple as that napakalaking tulong. Kasi 'di naman ako marunong sa industry na ito.
Dagdag pa niya, tinuturuan rin siya ni Eugene na mag deliver ng punchline kung saan ito ay isa sa pinakaimportanteng aspeto ng pagiging komedyante.
“Lagi rin siyang nagtuturo kung ano 'yung gagamiting punchline at kailan ito ibabato.
“At saka by simply observing Ate Uge, kung paano niya ginagawa at dinedeliver 'yung jokes. Kasi importante 'yun e. Kung kailan i-throw ang punchline, kung kailan i-stretch at ibabato. Ganyan.
“Pero higit sa lahat ang pinaka importante kong natutunan sa kaniya ay makinig sa aking mga co-actors.”
WATCH: Divine Aucina, itinuturing na mentor si Eugene Domingo
Divine excited sa mga bagong paandar ng 'Dear Uge'