Celebrity Life

EXCLUSIVE: DJ-turned-nurse Papa Buboy, inalala ang mga pasyente nila na namatay dahil sa COVID-19

By Aedrianne Acar
Published May 8, 2020 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP-HPG: Zaldy Co's luxury car has fake license plate
NLEX to increase toll fees starting January 20
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

Papa Buboy


Former Kapuso DJ Papa Buboy, nagkuwento sa mga pinagdadaanan ng kanilang mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

Ramdam sa panayam ng former Barangay LS disk jock na si Papa Buboy ang hirap na pinagdadaanan ng kanilang mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

Kasalukuyang nurse si Papa Buboy (o Justin Candado II sa totoong buhay) sa isang COVID-19 ward sa isang malaking ospital sa Bonifacio Global City sa Taguig.

PANOORIN: Dating DJ na si Papa Buboy, isa nang nurse!

Sa ekslusibong panayam ni DJ Buboy sa Kapuso Showbiz News, inalala nito ang kanilang mga pasyente na hindi pinalad mabuhay nang tamaan ng novel coronavirus disease.

Ayon sa kanya, nakakaramdam siya ng panlulumo na wala silang magawa para sa mga taong ito.

Wika ni Papa Buboy, "Frustrating talaga siya kasi you want to save this life, you have risked your life to save the life of this patient and yet talagang darating 'yung part na 'di nila kaya.

"I realized, 'di naman natin maalis 'yan na mayrun talagang fatalities,

"However good you are, ano mang tama ng ginagawa mo, kahit gaano ka pa kagaling, kahit gaano mo kasipag gawin 'yung trabaho mo. When it's their time, it's their time."

Dagdag niya, "We cannot do anything about it... and we give to God everything that we can."

Nagbigay rin siya ng pahayag sa mga taong nagdi-discriminate sa mga kapwa niya healthcare workers.

Panoorin ang opinyon ni Papa Buboy tungkol dito:



Papa Buboy: Actor or DJ?

IN PHOTOS: Barangay DJ Papa Buboy travels to the Land Down Under

GIVE ME FIVE featuring Papa Buboy of Barangay LS FM