What's on TV

EXCLUSIVE: Edu Manzano, nagsimula nang mag-taping para sa sequel ng 'Alyas Robin Hood'

By Michelle Caligan
Published July 26, 2017 5:03 PM PHT
Updated August 4, 2017 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

35 repatriated OFWs arrive in PH in time for New Year
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, ipinakilala ni Edu ang kanyang character na si Emilio.

 

 

Bukod kina Solenn Heussaff at Ruru Madrid, isa pa sa mga bagong makakasama sa second season ng Alyas Robin Hood ay ang actor-host na si Edu Manzano. Gaganap si Edu bilang si Emilio, isa sa mga bagong makakalaban ni Alyas Robin Hood, na ginagampanan ni Dingdong Dantes.

 

FIRST LOOK: At the story conference of the 'Alyas Robin Hood' sequel

Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, ipinakilala ni Edu ang kanyang character na si Emilio.

"Ang una n'yong makikita ay ang pagiging very charming ni Emilio. At the same time, sa likod ng sinasabing charming personality, there is also 'yung manipulator. Sa husay niya, kaya niyang kumbinsihin na baguhin mo ang iyong opinyon. Dito, he has a very commanding presence kung saan kapag siya ay pumasok ng kuwarto, 'yung parang feeling na nagbukasan lahat ng ilaw."

Ikinuwento din ng aktor na nagsimula na siyang mag-taping para na naturang teleserye, at masaya siyang professional ang lahat ng kanyang co-actors.

"I don't know kung naging advantage o disadvantage, pero kilala ko lahat ng aking katrabaho, at I generally like them. Minsan pabor 'yun, minsan nagiging hadlang because wala kang panghuhugutan ng sama ng loob, ng galit. But ang kagandahan is, sa mga nakikita kong napili sa cast, nakita ko na ito ang mga taong professionals and they're all hardworking. Maganda 'yung dadating sa set, handang handa na sila. Walang nale-late, so far (laughs)."