Celebrity Life

EXCLUSIVE: Ervic Vijandre at David Licauco, affected ba kung mabansagang metrosexual?

Published August 10, 2018 4:12 PM PHT
Updated August 10, 2018 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Remains of rare sun temple discovered in Egypt - ministry
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado sina Ervic Vijandre at David Licauco na talagang maalaga sila sa kanilang sarili. Ano kaya ang kanilang magiging reaksyon kung mabansagan silang vain at metrosexual?

Aminado sina Ervic Vijandre at David Licauco na talagang maalaga sila sa kanilang sarili. Ano kaya ang kanilang magiging reaksyon kung mabansagan silang vain at metrosexual?

Ekslusibong na-interview ng GMANetwork.com ang dalawang Kapuso actors sa pagbubukas ng isang luxury spa na kanilang ineendorso. Sambit nila, nakakatulong ang mga treatments at services dito dahil na rin sa kanilang active lifestyle.

Maliban sa mahahabang araw na ginugugol sa taping, parehong naglalaro ng basketball sina Ervic at David. Kaya naman, mahalaga raw para sa kanila kung may oportunidad para maka-recover at i-pamper ang kanilang sarili.

Wika ni Ervic, “Syempre thankful ako. Four years na akong ambassador ng Blue Water [Day Spa]. Thankful ako sa trust 'tsaka sa opportunity na lagi nilang ibinibigay sa akin.”

“As an athlete, kailangan ko talaga, like 'yung muscles ko masyadong gamit or alam mo 'yun, masyadong stressed 'yung muscles, so kailangan ko talaga mag-relax. 'Tsaka ako 'yung guy na I don't care kung ano'ng sabihin sa akin ng mga tao. Kung metrosexual 'yung ginagawa ko, as long as okay for me, I don't mind kung ano man tingin sa akin,” dugtong niya.

Paliwanag naman ni David, kailangan niyang alagaan ang kanyang sarili dahil na rin sa kanyang trabaho.

Aniya, “Honestly, hindi ako super, super vain but andito na ako sa showbiz, and puhunan ko, business ko, 'yung body ko and face ko so kailangan ko talaga siyang gawin.”